Gandang Walang Kwenta





















Mukha mo'y kayganda
 ngunit ugali mo'y nakakasuka.
Anong silbi ng pagiging maganda
 kung ikaw nama'y kinamumuhian ng iba.
kilalang-kilala ka sa taglay mong ganda
O binibining kayganda 
Ugali mo sana'y mabago na.

Noong una ako'y haggang-hanga
sa mala-glamorosa mong mukha.
Ngunit ngayon ay nagbago na.
Tingin ko sayo'y di na maganda.

O binibining kayganda
para ka nang si Bruhilda.
kinakatakutan ng iba
H'wag ka ng magtaka, 
dahil ika'y masama nang talaga.

Hiram na mukha 
sana ay bawiin na.
Palitan ng mukhang kasuklamsuklam.
Mukhang sayo'y
nababagay talaga.

kaya binibining kayganda
magisip-isip ka
Habang maaga pa,
Ay magbago ka na.

Comments

Popular Posts