Kaibaigan
















Kilig na kilig ka sa tuwing nakikita mo siya
Para ba siyang artista na sa tuwing
Nakakasalubong mo’y napapasigaw ka
Dahil sa ginagawa mo’y
Nasasaktan ako
Hindi dahil sa ngaseselos ako
Kundi dahil sa paghahampas mo
Sa katawan kong buto-buto
At noong nagging kayo iniwan mo ako mag-isa.
Dati ako ang lagi mong kasama
Ngayon ay iba na.
Noon ako’y  gumala mag-isa
Karelasyon mo aking nakita na may kasamang iba
Ako’y nagalala na baka masaktan ka
Sa pinaggagawa niya
Kaya sinabihan kita
Sa aking nakita
Pero imbes na magpasalamat ka
Sinampal mo aking mukha
Labis akong nasaktan sa iyong ginawa
Dahil hindi ka naniwala sa aking balita
Nagalit ka at sinabing huwag na tayong magkita
Pero ako’y nagulat noong ako’y nag-iisa lumapit ka at sinabing tama ka nga
Manloloko nga siya.

Comments

Popular Posts